brown out sa ateneo ngayon..
hindi ko yun naramdaman sa first class ko dahil gumagana pa naman ang lahat ng facilities (aircon at ilaw..)
pagdating naman sa SA..
nakakapagtaka dahil may quiz kami pero nakapatay ang ilaw kahit umaandar naman ang electric fan..
nakakapanibago nga lang kasi kahit naka-on yung fan, paypay pa rin nang paypay yung prof ko, parang mas iniinda niya pa yung init kesa yung dilim..
naiirita ako kasi malabo ang mata ko kaya nahihirapan akong magbasa sa dilim..
sumakit pa tuloy ang ulo ko..haay..enjoy ko ang SA kanina kahit madilim..
ewan ko...
siguro sa lahat ng classes ko, SA ang pinaka-nakakaaliw, mas naeenjoy ko pa siya kesa math.. ang saya kasi mas naiintindihan ko ang sarili ko pati behaviour ng ibang tao..
kumbaga, applicable talaga siya sa totoong buhay..di gaya ng math na masiyado munang komplikado bago mo talagang lubusang maisip na oo nga, applicable nga talaga to sa buhay natin..
(sige nga, bumili ka muna ng fishball, pero kunin mo muna ang derivative ng (x+x^(1/x))^(1/x) when x = 1..)
napaka-applicable no..
...
napansin ko lang, ang bulol ko talaga...
nyahehe, may sinabi ako sa kasama ko kanina..
nyahehe...
tapos natawa kami pareho kasi parang di niya naintindihan dahil ang bulol nga..
natawa lang kami kasi nakakatawang pakinggan..
hindi ko lang talaga maalala kung ano yun..
...
naiinis ako kanina kasi brownout..
magrrsf sana ako, para lang i-upadate ang blog na to (adik na ata ako..)
tapos nun, walang kuryente kaya walang comlab na gumagana..
(swerte nga nung ibang may itm dahil na-free cut sila dahil nga walang gumaganang computers..)
nakakainis kasi nasira ang plano ko para sa three-hour break ko..
naaliw na nga ako kasi ang haba nga break ko, dapat may natatapos akong productive..
meron din naman kahit papano, kaya lang, ewan ko..
hindi siguro ako satisfied sa progress ko..
...
naiinis ako kasi brownout...
ang dilim tuloy sa caf..
pero at least, hindi naman masyadong mainit..
madilim lang talaga..ang hirap tuloy kumain..
para tuloy hindi ako nabubusog..
ang dami ko tuloy kinain..
naku, tataba na ako nito..
ang gastos ko pa..
kawawa naman ako..
...
ang lit ko naman..
sinusubikan ko naman talagang i-appreciate yung lesson kaya lang masyado na lang talaga akong nainis sa simula, kaya siguro nahihirapan na akong pagbutihin ang ginagawa ko..
naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong mas matitinuan ko pa to..
saka pag nainis naman ako, hindi naman prof ko yung maapektuhan, kundi ako..
kaya kailangan ko nang magtino para rin sa sarili ko..
...
hoy ikaw, mag-ingat ka sa prof natin kundi baka pakasalan ka nun..
kawawa naman siya, nyahehe..
joke lang, peace tayo..
oi basta, yung mga pinag-usapan nating plano for next week, pag walang kang tinupad kahit isa sa mga yun, mayayari ka sa akin...
di ako nagbibiro..
kilala mo ko, kayang-kaya kitang patulugin..
haha
joke lang..
ikaw naman..sana may i-sshare pa ko sayo..
kaya lang kung anu-anong nonsense yung pinag-uusapan natin kanina..
ewan ko, mukha namang ok kang kausap..
salamat din pala sa pagbuhat ng bag ko..
buti ka pa mas may kwenta kesa dun sa kabarkada mo..
ikaw naman..
wala ka talagang kwenta..
yun lang ang masasabi ko sayo..
ps: magbago ka na, kundi wala kang patutunguhan...
pps: alam mo, naalala ko naman yung dapat sanang sasabihin ko sayo, kaya lang ewan ko, parang naubusan ako ng kapal ng mukha at kaprangkahan nang mga panahong iyon..
bayaan mo, maghintay ka lang..
hoy! kalbong hindi panget at kumikinis na ang mukha..
mag-bonding naman tayo, marami akong ikkwento sayo..
susubukan kong itype yun lahat dito sa blog ko..
wala na akong pakialam kahit mabasa niya pa..
e ano naman diba?naka-move on na ako no..
ako pa! bato na ata ako e..
ang maipapayo ko lang sayo, magfocus ka na lang sa ibang bagay para di mo siya laging iniisip..
sige ka, baka mabaliw ka at lagi ka na lang pabago-bago ng isip..
daig mo pa ang babae e..
basta yun..
kilala mo na kung sino ka..
...
masaya naman ako kahit papano..
basta..
marami masyadong tumatakbo sa isip ko..
sa sobrang dami, hindi ko na alam kung saan ako magsisimula..
sabagay, hindi naman mahalaga ang lahat nang yun..
basta, kung may oras kang makinig at handa kang magsayang ng oras kasama ko..
pigain mo lang ako, madali naman akong makumbinsi e..
wag mo lang ipalabas na para kang nanguuto..
kasi di yung gagana sa akin..