nakikibasa ka lang

Friday, May 26, 2006

madrama ulit.. kayraming panghihinayang...

nalulungkot ako..
una dahil paalis na ang kababata ko..
pupunta na siya sa america..
naiinis ako kasi nanghihinayang ako sa panahon na sana nagamit namin para mas makilala pa namin ang isa't-isa...
alam kong higit kaninuman, isa siya sa mga taong makakaintindi sa mga suliranin ko sa buhay..
ewan ko, nalulungkot lang talaga..
labag sa prinsipyo ko ang pag-iyak ng walang dahilan..
pero nagawa kong lumuha..
dahil may sapat akong dahilan..
panghihinayang..
at kasalanan ko yun..


meron pang isang bagay na nagpapalungkot sa akin..
pero wala ako sa posisyon para ipangalat yun dito sa blog ko..
basta..
kaya mo yan..
malalampasan mo rin ang anumang bagay na nagpapahina sa yo..
alam kong malakas ka, wag mong hayaang ang isang pagsubok na tulad nito ang magbago sa buo mong pagkatao..
kaya mo yan, at nandito lang ako pra makatulong sa kahit anong paraan na alam ko..

ayun lang..
wag naman sana mangyari ito sa akin..
unfair ang buhay..
hindi rin laging masaya..
ganun talaga e..
kapag laging masaya, mawawalan ka na ng dahilan para mabuhay..
parang baligtad no, pero ganun talaga yun..


birthday pala ngayon ng isa sa mga paborito kong teacher..
doc mara, hapi birthday!
wala lang, binati na kita kanina..
wag ka muna sanang magretire hanggat hindi pa ako nakaka-graduate...

6 Comments:

  • At 5/26/2006 06:02:00 AM , Anonymous Anonymous said...

    owwssss kilala mu na ako....
    ganyan ba katalino ang mga taga kisay.....

    out of a million people eh nahulaan na kaagad ang intruder na katulad ko...

    nako...

    anyway....

    parang sobrang dami mu ng experience sa pagiging malungkot ah...


    at tama ka..masaya naman ako eh. lalo na\kapag binabasa ko tong blog mu.. nako... natutuwa ako...
    hindi lang pala ako ang ganito sa mundo...

    di kita maimagine umiiyak... nako.... mansabunot o manapak pede pa... hehehe

    birthday pala ni doc mara ngaun.... sana maging teacher ko xa .... at makilala pa.ng lubos. bait nya raw eh


    cge nakibassa lan ako...

     
  • At 5/27/2006 11:42:00 PM , Blogger the nemesis said...

    hindi naman sa sobrang sigurado na ako na kilala na kita, but you're giving me a lot of clues..
    una, alam mo na galing akong quesci..
    wala akong binanggit na ganun dito sa blog ko..
    tapos kilala mo si doc mara, so malamang, atenista ka rin..
    baka nga math major pa e..
    so ayan, kung gusto mo pa akong bigyan ng hint, maraming salamat..
    saka salamat din sa pagccomment mo..Ü
    nga pala, alam mong strong ang personality ko, so malamang naging kaklase kita or ka-org or whatever..
    basta yun, naisip ko lang isulat..
    so hindi naman one in a million chance ang pagkakaalam ko sa identity mo..
    mga 1/1,000probability..
    mas maliit na yun diba, hehe..
    yuck, math talk....

     
  • At 5/28/2006 05:32:00 PM , Anonymous Anonymous said...

    oo nga no... im giving you so many hints about myself... nako... next tym ill be more careful hehehe!!!

     
  • At 5/29/2006 06:01:00 PM , Blogger the nemesis said...

    para kay nakikibasa18, may fascination ka ba sa number 18?
    hehehe
    sagutin mo ang tanong ko, kundi, lagot ka sakin, bwahahaa

     
  • At 5/29/2006 06:03:00 PM , Blogger the nemesis said...

    para naman kay em, salamat ng marami..
    you made me feel a lot better..
    dadalawin ko na nga pala namin yung friend ko sa ospital later..
    excited na ko..
    ngayon na lang kami magkikita ulit after a year..
    nakakatawa nga lang yung occasion..
    haay..
    thanks ulit..Ü

     
  • At 5/30/2006 07:39:00 PM , Blogger the nemesis said...

    ainaku..
    kung ayaw mong sagutin..
    ayos na rin..
    hindi ko naman ikamamatay yun..
    a basta, pag nakita kita. hindi kita papansinin..
    tandaan mo yan!

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home