nakikibasa ka lang

Monday, May 22, 2006

dramahan

hindi ko alam kung bakit pinapakinggan ko pa tong kantang to..
samantalang wala naman tong magandang idinudulot sa akin..
pinapalungkot pa nga ako nito..
pero kasabay ng kalungkutang iyon..
may napagmuni-munihan ako..

ang dami ko na palang ginawang sakiripisyo sa buhay ko..
hindi ito yung mga tipong mababaw na sakripisyo..
yung tipong life-changing talaga..
at minsan na rin na nagdikta sa mga bagay na ikasisiya ko..

hindi lang to minsan nangyari sa buhay ko..
hindi lang minsan na nanakit ako ng tao kahit labag sa kalooban ko..
alam kong masama akong tao..
pero pinipili ko rin naman ang mga sinasaktan ko..
meron akong mga inaaway na sinasadya ko talaga..
pero iba ang tinutukoy ko ngayon..
marahil nung unang beses na ginawa ko yun, kaunting tao lang ang nakaalam..
3 lang ata, kung hindi ako nagkakamali, ang nakakaalam ng tunay na dahilan..
3 tao ang nakiramay sa akin..
pinatahan ako hanggang sa maubos ang luha ko para sa araw na iyon..
kung iisipin ko ngayon, sana hindi na lang ako umiyak ng ganun..
kaya lang ngayon lang naman ako nagbago ng prinsipyo pagdating sa pag-iyak..
iyakin ako noon..
konting asar sa akin, iyak agad..
pero ngayon, bago ako umiyak, iniisip ko muna kung sapat ka na bang dahilan para magpakalunod ako sa kalungutan at umiyak ng kahit kaunting luha..
iniisip ko muna kung sapat kang dahilan para tumulo ang luha ko..
para akong hindi babae no..
akala kasi ng iba, lahat ng babae, emotional..
hindi naman masama iyon..
siguro, masyado ko lang pinapagana ang utak ko sa lahat ng bagay kaya hindi ako masyadong emosyonal..
hindi rin naman masama iyon diba?
haay..

sa pangalawang ulit na nanakit ako..
hindi ako umiyak..
hindi dahil sa wala akong pakialam at pakiramdam
sa tingin ko lang, hindi pa iyon sapat na dahilan para umiyak ako..
at alam ko, hindi rin siya matutuwa pag nalaman niyang siya ang dahilan kung bakit ako umiyak..
ayaw na ayaw niya yun..
may naalala na naman ako..
(aray.. may kumurot sa akin.. )
habang sinusulat ko to, napapaisip na naman ako kung sa mga panahong ito, sapat na ba siyang dahilan para umiyak ako..

...

sa mga tao sa paligid ko..
sana maawa naman kayo sa kin..
9 na buwan na akong nabubuhay ng mapayapa..
pinipilit makalimot at magpatuloy sa buhay..
matatag nga ako..
pero may hangganan..
may mga panahong, bumabalik sa akin, kahit ayaw ko..
sana hindi niyo na yun gatungan dahil nalulungkot lang ako..


sayang, masaya pa naman sana ako ngayon..
kaya lang naisip na naman kita e..
ganun na lang ba lagi, matapos kitang saktan ako naman ang binabalikan mo ngayon..
eto pala ang karma..
sana pala hindi na lang ako nagsakripisyo..

...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home