nakikibasa ka lang

Friday, May 19, 2006

may hold order na ako.. congrats..

hainaku..
hindi ko talaga maisip kung pano ko naiwan yung id ko sa bahay..
nakakaasar talaga..
lagi lang naman kasing nasa bag ko yun e..
anyway...
at least hindi ko nawala sa labas ng bahay..
mas mahirap yun hagilapin..
mas hassle pa magpa-renew ng id
tapos hindi naman ako dapat mahuhuli ng guard..
kaya lang..
malalate na ako kanina..
kaya yun..
ang malas tuloy ng simula ng araw ko kanina..
pero at least.. hindi nun hinadlangan ang pagsaya ng kabuuan ng araw ko..

...

yun lang naman ang gusto kong isulat ngayon..
pero wala lang..
may bumabagabag sa akin..

...

naiisip kong baka nahuhumaling na naman ako sa yo dahil sa pambubuyo ng mga kaibigan ko..
hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi..
sabagay, hindi naman ito seryosong bagay..
malay mo, baka mapasaya mo pa ako..
pasasalamatan pa kita..
pero may basehan naman tong pinagsusulat ko e..
bakit minsan, bigla ka na lang tumitingin..
haay..
basta nararamdaman kong may something..
kung ano man yun, sana hanggang dun na lang yun..
ayoko kasi ng komplikadong buhay

...

isa pa to..
bakit lagi na lang akong binabalikan ng nakaraan?
hindi naman sa nagpupumiglas ako para makatakas..
pero bakit lagi na lang???
nakakasawa na kasi minsan e..
lalo na pag pinag-uusapan sa likod ko..
tapos, malalaman ko na lang, andami na palang nakakaalam..
haay..
ewan ko ba..
kung wala kayong magawa sa buhay niyo..
tulungan niyo na lang ako..
marami akong ginagawa e..
haay..

ang adik ko ngayon a..
anong oras na ba?
wala na akong balak matulog..
mag-aalas kwatro na e..
ang labo ko..



sabaw na ata utak ko..

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home