nakikibasa ka lang

Tuesday, May 16, 2006

manhid ako ngayon...

hmm, ngayon lang ba?
ewan ko..
ayoko nang nag-iisip ako ng masyado..
baka mabaliw na ako e..

basta hindi ako matino kasama ngayon..
hindi naman ako nagkakaroon ng identity problem or whatever
masyado lang magulo ang mga tao sa paligid ko kaya affected ako..

kung may natatamaan man ako, pasensya na lang..
nakikibasa ka nga lang e..
kung hindi mo talaga matanggap ang sasabihin ko sa iyo, magcomment ka na lang...

ewan ko sayo...
ayaw muna kitang kausapin..
hindi naman dahil sa wala na akong mapipiga sayo..
pero kung ayaw mo talagang sabihin, ayos lang..
hindi ko naman ikamamatay yun..
at saka, mas mabuti pa nga ng hindi ko alam para hindi ako nagkukunwari na hindi ko alam..
kasi hindi ko naman talga alam e..
mahirap mabuhay ng maraming inililihim..
pero basta, katulad ng ng sinabi ko sayo kanina, hindi ko na lang iisipin kasi hindi naman ako affected..Ü
at aminado naman akong masama ako..
at manhid

ikaw naman, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo..
kaya wala na lang akong gagawin..
para hindi na ako nag-iisip ng kung ano pa man..
haay..
i hate to say this..
pero wala talaga e..
totally zero..
zilch, nil, blank..
i hope you got my point..
kaya hindi ako paasa, hindi lang ako nagsasalita..

at ikaw naman, wala lang, naiisip na lang kita lagi..
pero walang ibig sabihin yun..
saka natutuwa ako at napapangiti pag nakikita ko pictures mo..
haay..
ano ba to..
wala ba talgang ibig sabihin yun?
bahala na..
kailangan kong panindigan ang desisyon ko e..

lagi na lang akong naiinis dahil sa yo..
kaklase pa naman kita sa first subject ko kya nasisira agad ang araw ko..
pde ba wag ka na lang mag-exist?
kasi super nakakairita ka talaga e..
hindi lang naman ako ang masama sayo..
sa katunayan, wala pa akong narinig na absolute na magandang comment about you..
so i think YOU are the problem..
baka naman pde ka pang magbago..
hindi ka pa naman ganun ka-gurang e..
a basta, naiinis ako sayo at gagawa ako ng paraan para hindi masira ang araw ko dahil sa yo..

ayun lang muna..
nawalan tuloy ako ng ganang kumain..

2 Comments:

  • At 5/17/2006 05:29:00 PM , Anonymous Anonymous said...

    saka natutuwa ako at napapangiti pag nakikita ko pictures mo..

    -ganyan talga yan karen. akala mo hindi ka na makaka-move on sa umpisa. pero kapag inisip mo na mas masaya naman kahit hindi siya kasama at mas masaya naman na ganun na lang kayo, baka maliwanagan ka at magkaroon ng pag-asang makabangong muli.
    hindi naman kita masisisi na ganyan ang nararamdaman mo. kasi hindi pa malinaw sa yo ang lahat. kailangan mo lang sigurong makipag-usap sa kanya.
    haaay.hihi.
    (senti mode)

     
  • At 5/18/2006 01:05:00 PM , Blogger the nemesis said...

    haay, hindi ko na nga alam e..
    ayoko na muna siyang kausapin kasi magddrama lang ako pag kinausap ko siya..
    haay..
    pero na-realize ko lang..
    kaya ko kinayang mag-move on nung umpisa kasi masarap yung feeling na malaya ka na..
    pero eventually, saka mo maiisip na ayos na rin palang hindi masyadong malaya, kesa naman nag-iisa (nyak.. mas senti mode ito)
    there's really no use crying over spilled milk..
    but if it's coffee, i won't care...Ü

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home