nakikibasa ka lang

Monday, May 29, 2006

haay.. kalma lang

yey..
tapos na namin ang SA observation..
grabeng hirap pinagdaanan namin dito a..
hehe, exag naman yun..
pero basta, naiinis ako kanina..
hindi na masyado ngayon..
nagugutom na lang..
haay..



bakit andaming taong maraming load..
at nambabati pa ng gud morning..
hindi naman ako against dun..
kaya lang minsan kasi paggising ko, puno na agad inbox ko..
pero narealize ko ngayon lang..
hindi nga naman talga masama yun..
ayaw ko pa ba nun, naalala ako ng mga tao.
kaya yun, salamat na lang ulit..

...

konti na lang, tapos na talaga ang summer class..
yey
antagal ko rin to hinintay..
pero nung bakasyon pa talaga (as in between end of 2nd sem at start ng summer)
nag-aabang na talaga ako sa summer class..
dahil rin sa mga dahilan..
una, ayaw kong naka-tengga lang sa bahay..
nakakabato e..
saka ayoko talaga mag-stay sa bahay namin e..
hindi naman sa galit ako sa mga tao dun, basta..
madali kasi maubos ang pasensya ko, kaya yun..
pangalawa, siyempre, kailangan ng sweldo..
walang pasok, walang allowance, walang pera..
ganun lang kasimple yun..
pangatlo, hindi naman purkit nag-aaral ka pag summer, puro aral lang ang ginagawa mo..
siyempre may sidelines yan, hehe
pang-apat, nagssummer ka, para mag-aral..
yuck..
ang nerd..

...

natatawa ako sa mga taong tinatawag akong nerd..
ano bang definition ng isang nerd?
naka-glasses? hindi a.. ang cute kaya nila, hehehe
laging nag-aaral? hindi ako yun! inaaway nga ako ng mga tao dati kasi SOBRANG tamad ko mag-aral.. actually hanggang ngayon, pero nabawasan na..
laging puyat? nagpupuyat nga ako madalas, pero hindi ibig sabihin na nagpupuyat ako para mag-aral..

ano pa ba?
wala akong maisip sa ngayon...
tama na muna to, nagugutom na talaga ako..
may finals pako sa lit mamaya.
at hindi pa ako nag-aaral..
yan ba ang nerd???


nga pala, ingat kayo sa mga guard sa RSF..
kinukuha nila ang mga bagay na "unattended"
nakngpating..
i hate him..
gusto ko siya sapakin kanina..
tugsh!

ps. happy birthday angel jack!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home