nakikibasa ka lang

Wednesday, February 04, 2009

sabi ko na nga ba...

hindi ko matitiis na hindi magpost..

marami akong random thoughts na naiisip. although maganda naman sana kasing i-share yun via plurk, minsan, tinatamad na lang talaga ako..

una, hindi ko talaga alam kung magffifth year pa ako..

pros:
sayang ang opportunity, may scholarship na ko e.
mas mataas na sweldo after grad
hindi pa ako prepared magtrabaho
ayoko pa umalis ng ateneo
gusto ko na magkaroon ng masters degree
eto naman talaga yung original plan ko e.
willing pa naman ang mga magulang ko na pag-aralin ako for one more year.

cons:
tinatamad na talaga ako. saka nanghihinayang ako kasi parang tanga na talaga ako e.
wala na akong naiintindihan sa mga majors ko, tapos itutuloy ko pa rin for another year?
downward sloping ang grades ko since 3rd year. grabe, ano nalang ang matitira sakin next year
medyo parang ginugusto ko na rin magtrabaho
madedelay pa ang aking freedom.


ewan ko talaga. hindi ako makapag-rationalize kung anong gagawin ko sa buhay ko. para na naman akong nagpapatangay na lang sa agos ng buhay.

hmm.. marami pa akong gustong isulat tulad ng nangyari sa immersion ko. tapos yung dilemma ko about friendship..

eto, isa namang bagay na nagpapasaya sa akin ngayon ang aking relasyon kay boss. basta masaya ako samin. ayoko mang maging sobrang forward-looking, pero may potensyal talaga na baka siya na nga. haay.. tama na nga to. gusto kong maayos na ang buhay namin..

excited na ang nanay niya na ma-meet ako. natatakot ako. siguro meron na akong ganung phobia sa mga nanay. haha. pero siyempre, we'll see kung anong mangyayari sa april 7 (or sooner, bahala na.)

nagpunta kaming riverbanks kanina out of mere whim. waley talaga. nakakain na rin ako sa wakas sa ice cream house at umubos kami ng isang pint ng cherry go round. hahah. pareho kaming hindi mahilig sa cherry ice cream pero nag-enjoy na rin kaming magpatayan sa buong cherries. hahah. tapos arcade. wala lang talaga ako sa mood maglaro kanina. at umupo muli sa damuhan sa riverbanks. haaayyy.. tapos siomai house. karen, anong diet ang pinagsasabi mo? tugsh.

hmmm.. masaya na rin ako sa buhay ko. pero tulad nga ng sabi niya, merong mga aspect ng buhay ng tao na hindi pa rin defined kaya nakapagpapabawas sa sayang nararamdaman mo. oh well.

ayun, hindi ako stressed. pagod lang. at maraming pang kailangang gawin. may theory ako na hindi naman natural na stressed ang tao. meron tayong mga stress drivers at para maiwasan yung stress, kailangan maiwasan ang mga stress drivers na yun. narealize ko na ang main stress driver ko ay ang dami ng dapat kong gawin. pero kahit ganun, gusto ko pa rin. may pagka-masokista nga siguro ako.

awat na. marami pa talagang kailangang gawin.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home