nakikibasa ka lang

Saturday, July 22, 2006

a different kind of experience

ayan. magssenti na naman ako..
ang saya kahapon sa neofight, for the ff reasons
1. yes! tapos na, bawas sa isang dapat gawin..
2. successful siya! super.. fun ang speakers at masarap ang food!
3. maraming picture-taking!
4. fruitful ang experience..

kahit hindi na ako freshman, nakarelate ako sa sinabi ng mga speakers..
at dahil dun, mas lalo akong naging proud na member ako ng gabay..
hindi ko masisi yung mga nagquit dahil kailangan nilang magset ng priorities..
magkakaiba naman kasi tayo..
pero natutuwa ako kasi kahit gaano ako ka-busy, may nahahanap pa rin akong time na tumambay sa gabay..
kasi hindi ko nakikitang hadlang sa pagaaral ang pagtatrabaho para sa gabay..
natutuwa nga ako kasi kahit hindi ako gaanong mulat sa lahat ng problema ng Pilipinas, alam kong kahit papano, may nagagawa na akong pagbabago..

basta, natutuwa lang ako sa gabay kasi marami akong nakikilalang tao..
maraming bagong mga experience, kahit hindi maganda lahat..
marami kang matututunan..
marami kang mapakikisalamuhaan
at masaya talaga..
kaya yun, salamat sa angel chris ko..
kasi baka hindi ko magawang magcommit ng ganito kundi dahil sa kaniya..:)
saka sa mga mentors ko rin..
basta, nahihiya akong isulat dito e..
saka na..
mayroon akong mahabang listahan..
hehe
ayun, ang drama naman nito..
sana hanggang dulo ganito pa rin ako..Ü

Sunday, July 16, 2006

masaya ako ngayon... finally, after a long time

ang weird kanina habang kumakain ako..
parang di ko malunok yung kinakain..
nginunguya ko namang mabuti para hindi ako mahirinan..
siguro ganun na ako kasama, nahihirapan na akong kumain...

pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon..
siguro dahil na rin sa sinabi ng gay friend ko..
naiinggit daw siya sa akin dahil kahit single ako, masaya pa rin ako..
oo nga naman..
ngayon ko lang narealize na masaya nga ako kahit single ako..
salamat sa yo at napa-realize mo yun sakin..
masaya nga ako..
matagal-tagal din akong napasok sa isang "relasyon"
masaya rin naman yun..
pero iba yung happiness e..
basta, ang hirap ipaliwanag..
saka kahit masaya ka kung may partner ka, hindi rin naman absolute yun..
may times na malungkot ka..
disappointed..
parang taken for granted..
in short, hindi perfect.
the same thing goes with being single..
hindi ka man laging masaya..
naaalala mo man yung ex mo..
ok lang..
steady pa rin..
masaya na rin kasi hawak mo ang oras mo..
puede mo gawin ang kahit anong gustuhin mo, hindi mo na kailangang humingi ng permiso sa ibang tao...
in short, freedom..
ang saya!
o diba..
kaya bakit naman ako maghahanap ng ka-commitment ngayon..
kawawa naman ang tao..
hindi fair..
wala akong mailalaan na oras para sa kaniya at gagawin ko lang siyang tagasalo sa lahat ng mood swings ko..
hahahaha

ayun..
para akong nabaliw sa saya..

Monday, July 10, 2006

kailangan ko lang ng mapagbubuhusan ng sama ng loob...

naiinis ako..
yun lang naman ang gusto ko isulat dito..
ayoko naman kasing mang-away ng tao
(yes, nagpapakabait na ako..
parang ayaw kong maniwala)
anyway, basta naiinis talaga ako sa maraming bagay..

unang-una, sa sarili ko..
sobrang tinamad ako mag-aral nung weekend..
puro walang kabuluhang bagay lang inatupag ko..
kasi yung inisip ko, wala naman akong gagawin other than homework..
wala naman akong pupuntahan so parang hawak ko yung oras ko..
sa sobrang paghawak ko dun, ayun!
dumating ang sunday night, wala pa akong nagagawa kahit isa..
ni hindi man lang ako nakapag-aral for any of my subjects..
super sayang sa oras..
uaap kasi e..
tv kasi e..
net kasi e..
tulog kasi e..
haay..


next..
inis na naman ako sa sarili ko..
dahil iniisip ko na naman siya..
pero sandali lang naman..
at saka, masaya naman ako pag naiisip ko siya..
naalala ko yung message sakin nung blockmate ko, something to do with the rain and the people we (want to) love...
haay, kasalanan mo at naalala ko pa tuloy siya.. (joke!Ü)

last na to..
naiinis ulit ako sa sarili ko dahil parang bigla na lang hindi na kita kilala..
eto na nga ba ang kinakatakot ko dahil sa biglang lumiit ang mundo ko..
bakit kasi ganun?
parang ang selfish ko sayo..
kasi naman simula nung nakakilala ka na ng iba..
parang naging iba na yung relationship natin..
mas naging distant..
at gaya nga nung nauna kong sinabi, parang hindi na kita kilala..

o baka naman ako ang hindi nakakakilala sa sarili ko?


huli na talaga to..
binabagabag ako e..
sino kaya ang soul ko?
help!


ang sama ko na talaga..
magpapakabuti na ako..

Friday, July 07, 2006

funny memory

natatawa ako..
naalala ko yung kaklase ko nun sa lit..
may activity kasi kami nun..
tapos pinapili kami nung prof ng kanta na sa tinign namin e match dun sa topic na dndiscuss namin..
pag kinanta ng group, may plus points..
yung napili naming kanta, buloy by pne..
tapos, kaya ko naman yun igitara...
kaya lang yung iba naming grpmates, hindi alam yung kanta..
nung nagperform kami..
super palpak!
una, sintonado yung gitara na ginamit namin..
tapos namamawis na yung kamay ko..
pero ang pinakamasaklap dun..
super palpak ng bokalista namin..
phutek!
mag-isa lang siyang kumakanta..
wala lahat!
wala sa timing, wala sa tono..
pero ang pinakamasaklap dun, pinanindigan niya yun..

e sobrang di ko na kinaya yun..
tinigil ko na magtugtog..
para tumigil na rin siyang kumanta..
sinira namin yung kanta..

Thursday, July 06, 2006

nakakagulat.. at nakakapanabik ang susunod na kabanata..

wala lang, nagulat ako sa isang biglaang imbitasyon..
sana naman magpay-off ang ilalaan kong efforts..
sana lang talaga..
saka sana hindi ako kabahan..
kunsabagay..
sabi ko nga, handa na ako..
siguro, isa itong pagsubok kung totoo ba yung sinasabi ko..
kaya ko to no..
yun lang pala e..

Wednesday, July 05, 2006

minamahal kita by parokya ni edgar

nung una kitang makilala di man lang kita napuna
di ka naman kasi kagandan(ng lalaki) diba?
simpleng kabatak simpleng kabarkada lamang ang tinigin ko sa yo
di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito

ako'y napaisip at biglang napatingin
di ko malaman kung anong dapat gawin

dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sayo
gumwapo ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago
napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso
bad trip talaga naiinlab ako sa yo

tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti
para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi

minamahal kita, bakit di ka maniwala?
anong dapat gawin upang seryosohin mo?
ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa yo
maniwala ka sana minamahal kita

nasisira na ata ang ulo ko kakaisip ko sayo
kahit saan ako tumingin ay mukha mo ang nakikita ko
pero bang ika'y naiilang ako ay iyong iniiwasan
ako'y nahihirapan uy, wala namang ganyanan

pakiramdam ko ngayon akoy nagmumukhang gaga
ngayo'y nagsisisi kung bakit ako nag-aylabyu (?)
kasi di na tayo tulad ng dati
ngayon sa akin ay diring-diri

minamahal kita, bakit di ka maniwala?
anong dapat gawin upang seryosohin mo?
ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa yo
maniwala ka sana minamahal kita

minamahal kita, bakit di ka maniwala?
anong dapat gawin upang seryosohin mo?
ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa yo
maniwala ka sana minamahal kita

hahaha, ang tanga talaga ng kantang to..
pag-ibig talaga o, ginagawang tanga ang mga tao..
kaya bakit ka pa iibig kung alam mong magpapakatanga ka lang naman?