nakikibasa ka lang

Monday, July 10, 2006

kailangan ko lang ng mapagbubuhusan ng sama ng loob...

naiinis ako..
yun lang naman ang gusto ko isulat dito..
ayoko naman kasing mang-away ng tao
(yes, nagpapakabait na ako..
parang ayaw kong maniwala)
anyway, basta naiinis talaga ako sa maraming bagay..

unang-una, sa sarili ko..
sobrang tinamad ako mag-aral nung weekend..
puro walang kabuluhang bagay lang inatupag ko..
kasi yung inisip ko, wala naman akong gagawin other than homework..
wala naman akong pupuntahan so parang hawak ko yung oras ko..
sa sobrang paghawak ko dun, ayun!
dumating ang sunday night, wala pa akong nagagawa kahit isa..
ni hindi man lang ako nakapag-aral for any of my subjects..
super sayang sa oras..
uaap kasi e..
tv kasi e..
net kasi e..
tulog kasi e..
haay..


next..
inis na naman ako sa sarili ko..
dahil iniisip ko na naman siya..
pero sandali lang naman..
at saka, masaya naman ako pag naiisip ko siya..
naalala ko yung message sakin nung blockmate ko, something to do with the rain and the people we (want to) love...
haay, kasalanan mo at naalala ko pa tuloy siya.. (joke!Ü)

last na to..
naiinis ulit ako sa sarili ko dahil parang bigla na lang hindi na kita kilala..
eto na nga ba ang kinakatakot ko dahil sa biglang lumiit ang mundo ko..
bakit kasi ganun?
parang ang selfish ko sayo..
kasi naman simula nung nakakilala ka na ng iba..
parang naging iba na yung relationship natin..
mas naging distant..
at gaya nga nung nauna kong sinabi, parang hindi na kita kilala..

o baka naman ako ang hindi nakakakilala sa sarili ko?


huli na talaga to..
binabagabag ako e..
sino kaya ang soul ko?
help!


ang sama ko na talaga..
magpapakabuti na ako..

3 Comments:

  • At 7/14/2006 03:36:00 AM , Anonymous Anonymous said...

    oh well im back....

    matapos ang isang napaka hectic na linggo ay heto ako malaya...hahha

    kmusta ka naman...

    anung kasamaan na naman ang ginawa mu....

    lage mung sinasabeng magbabago ka ...

    tapos sinasabe mu rin na ang sama mo...

    ano ba talaga ha!!!!

    hehehe....

    pwede mu naman akong kwentuhan kung gusto mu...

    im willing to listen

    hehehe

    cge..

    see you around!!

     
  • At 7/16/2006 11:30:00 PM , Blogger the nemesis said...

    kuya tim!
    pano mo ako natagpuan???
    nagtatago nga ako sa liblib na lugar e, hahahaha

     
  • At 7/18/2006 10:35:00 AM , Anonymous Anonymous said...

    This comment has been removed by a blog administrator.

     

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home