nakikibasa ka lang

Tuesday, June 20, 2006

tuesday... unbelievable

pangalawang araw na ng pasok..
isa lang ang subj ko pag Tuesday..
10:30 – 12
ps31..
haay..
nakakatamad..
ayos naman ang physics..
hindi ko lang masyado feel ang prof dahil
1. effeminate siya at nalaman naming eventually na may asawa pala siya, hahaha
2. galing siyang UP (its not that I hold something against up.. iba lang kasi ang mentalidad nila about things.. but still, im not like some narrow-minded people who tend to generalize things.. tsk tsk..)
3. adik siya sa physics.. imagine, he’s studying physics for 12 years! ako nga, 2 years lang ng physics education, enough na para talikuran ang sana’y masaya naming pagsasama.. (eew)

anyway..

besides these reasons..
ayaw ko rin ng physics class ko kasi
1. malamok sa faura
2. mainit sa faura
3. maingay sa faura..

sana lang talaga, hindi mabaho sa lab namin sa sec C..
hay..

saka buti na lang. classmates ko na rin blockmates ko..
at meron na rin akong forever classmate na blockmate ko rin..
guess who??
nyahehe

anyway..

tama na muna ang reklamo..
konting realizations and processing muna

ang laki ng pagkakaiba ng buhay ko ngayong may pasok na
super busy agad..
promise..
hindi lang ako nagdadahilan para konting gawain lang ang ibigay sa akin..
1st day pa nga lang, ang dami ng homework (masyado kaming mahal ng aming mga propesor..)
pero kahit na ganun..
hindi ibig sabihin nun, hindi mo matatapos lahat ng gagawin mo..

may mga solusyon na ako sa mga problema ko (grabe, kilala ko na talga ang sarili ko..

kailangan, ilista ko lahat ng dapat kong gawin..
makakalimutin kasi ako e..
kailangan ko ring gawin lahat ng homeworks na posible kong matapos bago ako pumasok sa school..
wala na akong karapatang mag-cram..
pero ok na rin..
magandang practice na yun..
kailangan ko rin ng enough rest everyday dahil maaga ang pasok ko..
madalas akong puyat pero kailangan ko pa rin ng konting idlip..
hindi nga lang pwede sa classroom..Ü
kailangan, ihanda ko na kinagabihan ang lahat ng gamit ko bago ako matulog, or else, malalate ako..



so far, nagagawa ko pa naman ang mga ito..
sana ganito pa rin ako hanggang matapos ang hell sem na ito..

nga pala, sa sobrang busy ko, hindi ako nakanood ng smallville at muntik ko nang ma-miss ang Gilmore girls..
grabe, kailangan ko na rin isama sa mga listahan ko pati mga leisure activities????

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home