o siguro, mas magandang sabihin na kahit hindi gaanong maayos ang araw ko, nagawa kong kalimutan ang mga bagay na makapagpapalungkot sa akin, at sa halip, iniisip ko na lang ang mga bagay na makapagpapangiti sa akin..
una, naapprove na ang sentence outline ko sa en12! after 7 drafts (yun e kung wala pa akong nawala), naawa na rin sa aking ang prof ko (at marahil ay nakulitan na rin) dahil sa madalas kong pagpunta sa cubicle niya) at sa wakas, binigyan niya na ako ng go signal para gumawa na ng first draft.. sa friday na ang ibinigay kong deadline para sa sarili ko, sana lang magawa ko ngang matapos yun..
kahit na naiinis talaga ako sa prof ko dahil 41 lang ang ibinigay niya sa amin para sa OP(at kahit hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga lubos na maisip kung paano niya nagawa sa amin yun) wala siyang basehan! ay leech talaga!!! garr...
ayoko nang isipin ang mga sumunod na pangyayari nang mabalitaan ko yun sapagkat nanggagaliiti lamang ako sa poot
masaya ako sa pe(lagi naman) lalo na't nakukuha ko yung steps sa routine..
yun lang talaga masaya na ako..
second cut ko sa accounting kanina.. ang sama ko nga e.. pero kung iisipin, dapat nga free cut pa kami dahil kakatapos lang ng long exam2 namin.. ang late na nga natapos nung exam, kailangan pa naming pumasok nang maaga kinabukasan.. parusa talaga..
nararamdaman kong wala akong kwentang estudyante this past few days.. pero kahit na alam ko na wala akong masyadong natatapos, ayoko na lang manghinayang sa oras na sinasayang ko.. (tulad ngayon, dapat nagbabasa na ako sa english ngayon e, pero anong ginagawa ko, nagbblog.) iniisip ko na lang na masaya naman ako sa ginagawa ko kaya ayos na rin. walang panghihinayang...
namimiss ko nang mag-aral ng bagong chords.. pangako ko talaga sa sarili ko na magaaral na ako pag medyo maluwag na ang sked ko.. (kung kelan man mangyayari yun)
andami ko nang namimiss na tao.. ganito ba talaga pag college, hindi lang tulog ang nasasakripisyo. pati pakikipagkapwa-tao na rin.
kailangan ko nang ma-motivate para pumasok ng maaga.. buti na lang nanjan si bestfriend at JM (code name ko sa bago kong crush.. nag-high five kami kanina at hinawakan niya ang malamig kong kamay... yikee...)
ngayon ko lang nainitindihan ang tunay na ibig sabihin ng "ayaw ko munang pag-usapan" pag may nagtanong talaga sa akin tungkol sa leech na report na yan.. uumbagan ko..
awat na.. back to work...