nakikibasa ka lang

Friday, December 29, 2006

sobrang pagod ako ngayon..

haay.. wala lang, puro stream of consciousness lang to..

katulad pa rin ng dati, ayoko ulit isipin kung ano ba talagang nararamdaman ko ngayon..
pagod nga ako, pero hindi ko naman masasabing malungkot ako..
hindi rin naman ako ganun kasaya..

kagagaling ko lang sa church..
nakita ko yung taong 3 years ko nang crush pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami close..
kasi naman, mas gusto ko lang na nakikita siya from a distance..
hindi ako interesado sa personality niya..

meron ding isang cute na guy kanina..
nahihiya lang akong batiin siya, although i already know him by name..
pero hindi ko siya type kasi...
ewan, basta..

tapos biglang nagtxt ang bestfriend ko sa akin kanina..
talaga namang hindi niya ako matitiis..
at hindi niya talagang kayang gumawa ng mag-isa lang..
kailangan niya talaga ako forever..

ayan, bangag na naman ako..
congrats!Ü

Tuesday, December 26, 2006

ang tagal ko nang hindi nakahawak ng computer pero relief ito..
ang stats ko.. 43 unread messages sa yahoomail, 4 sa gmail, sandamakmak na balita sa mga kaibigan.. maraming invitations sa eskwela.com (yey!) messages sa friendster.. panibagong blog entries ng mga tao..
andaming dapat basahin pero ok lang..
nakakamiss din ang ganitong gawain..
matagal na rin akong hindi nakapagsulat ng bagong matinong entry dito sa blog ko..
kasi minsan, ayoko nang isipin kung ano bang nararamdaman ko sa isang specific na time ng buhay ko..
kasi madalas, magulo.. puno na ako ng emosyon, masyadong mahirap para i-sort out.. nakakapagod lang mag-isip, masayang pa sa oras..

eto, isang kunwaring malikhaing entry..

pauwi na ako..
sa tuwing binabagtas ko ang daang ito pauwi, saglit akong lumilingon upang sulyapan kung nariyan ka lang sa aking likuran..
subalit katulad pa rin ng dati, wala ni anino mo ang sumagi sa aking mga paningin..
di bale, may susunod pa namang pagkakataon e.. lagi ko na lamang itong sinasambit, pakonswelo sa panglulumong nadarama ko..
may aso akong nakita at nginitian ko ito..
takot kasi ako sa mga asong gala e, baka pag nagmukha akong mabait sa kaniya, hindi niya ako aanuhin..

patuloy lang ako sa paglalakad habang nag-iisip nang malalim..

may malakas na tinig na tumawag sa ngalan ko, sabay sabi na, "sa likod mo"
mabuti na lamang at madali akong nakalingon at naiharang ko kaagad ang aking bag sa binting akmang kakagatin ng asong nginitian ko, ilang saglit pa lamang ang nakakalipas..

naiwan ang dalawang marka ng pangil sa mamahalin kong bag..

isang malakas na tinig ang sumaway sa aso at dagli naman itong umalis..

pagkatapos, saka ko lang nalingon ang taong nagligtas sa aking binti..

ikaw pala..
matapos ang matagal na panahong pagbabaka-sakali na maglakad ka kasunod ko, narito ka na..
tumigil ang panahon..

nilapitan mo ako.. tinanong kung ayos lang ako..
sa totoo lang, bahagya akong natakot at nagulat subalit nagtapang-tapangan ako at sinabing ayos lang ako..
ngunit marahil, naramdaman mo ang takot sa aking mga mata, kung kayat ipinilit mong samahan ako hanggang sa makarating ako sa aming tahanan..

sana'y wala na lamang katapusan ang binabagtas nating daan.


happy birthday paolo, kc and georgee

Sunday, December 17, 2006

ok lang ako..

frustrations..

sobrang nalulungkot ako sa sarili ko before today..
(kasi today, mas ok na ako..)

naging alitaptap na ako..
nawalan na ng kahulugan ang salitang pag-ibig..
napapaso sa aking kalamigan ang bawat humipo sa akin..
at tunay na naging bato ang aking damdamin..

subalit masaya ba ako?

hindi gaano..
nabubuhay na lamang ako para sa sarili ko at nawawalan ako ng gana na tumulong sa iba..
(noon, napakasaya ko kapag nakakatulong ako sa iba...)

marahil, dahil sa nagbago ang aking mga pinahahalagahan..
dahil, iba na ang aking mga nakakasama.. (at mayroon sila ng mga bagay na wala ako at iyon ang nagpapasaya sa kanila..)
nawawalan ako ng libog sa paggawa ng mga bagay na ikinatutuwa ko noon..


pero hindi pa naman huli ang lahat..
may panahon pa para magbago (na naman...)

nakakasawa man, pero ganun..

umiikot pa rin naman ang mundo e..

*sa mga taong nabiktima ng aking init ng ulo, patawad..
hindi ko sinasadya..

Monday, December 04, 2006

alam ko na kung bakit ako naiinis sa sarili ko..

nawawala ako sa focus ng mga dapat kong gawin..
unfair..
ang tagal ko pa namang pinaglaanan ng oras ang pagpprioritize ng mga bagay sa buhay..
tapos all of a sudden, bigla na lang mawawala ang lahat ng yun..

anyway, sa tingin ko, hindi pa naman gaanong huli ang lahat..
kaya ko pang bumalik sa dati at hindi magpaapekto sa mga bagay at tao sa paligid ko..

saka babawasan ako na rin ang pagmumura, hindi naman maganda yun..
it just shows na stressed talaga ako.. rar...

Sunday, December 03, 2006

naiinis ako sa sarili ko..
pakiramdam ko, nagbago ako..
at malaki ang pinagbago ko..
parang bigla na lang hindi ko na kilala ang sarili ko..
nakakainis..

Friday, December 01, 2006

hindi ako tanga

hindi ako tanga

Kapag Nawala Ka
Stonefree

Kapag nawala ka giliw
Araw ay di na sisikat
Di ko na muling mararanasan
Dulot mo sa aking sigla

Kapag nawala ka giliw
Labis na malulumbay
Di ko na nanaisin pa
Na ako ay mabuhay

Paano ang yakap
Paano ang halik
Kapag nawala ka?

Kapag nawala ka giliw
Mundo'y walang kulay
Di ko na muling masisilayan
Ang taglay mong ganda

Walang saysay ang buhay
Kung sa'kin ay mawalay

Kapag nawala ka giliw
Labis na malulumbay
Di ko na nanaisin pa na ako ay mabuhay

ang sakit pakinggan ng kantang ito..
parang dinudurog ako dahil sa guilt..
nakakaasar pero mahal ko na ang boses ni miro..
parang ako lang yung sinesermonan niya..

grabe talaga ang music sa pagexpress ng sarili..

pero hindi ako padadala sa mga emosyon na ito..
mas matatag ako kaysa sa mga ito..
at hindi ako magpapapigil sa mga gusto kong mangyari sa akin..
matalino ako at hindi ako magpapakatanga..

saka ko na lang iisipin ang mga bagay na magpapalungkot sa akin..
natagalan ko nga ito nang mahigit sa isang taon..
ano pa kaya ang karagdagang 2 o 3 taon..
kaya ko pa..
matatag ako at matalino
nag-iisip ako at hindi padalus-dalos..
kailanman, hindi na ako gagawa ng katangahan..
dahil hindi naman ako tanga e..