ang tagal ko nang hindi nakahawak ng computer pero relief ito..
ang stats ko.. 43 unread messages sa yahoomail, 4 sa gmail, sandamakmak na balita sa mga kaibigan.. maraming invitations sa eskwela.com (yey!) messages sa friendster.. panibagong blog entries ng mga tao..
andaming dapat basahin pero ok lang..
nakakamiss din ang ganitong gawain..
matagal na rin akong hindi nakapagsulat ng bagong matinong entry dito sa blog ko..
kasi minsan, ayoko nang isipin kung ano bang nararamdaman ko sa isang specific na time ng buhay ko..
kasi madalas, magulo.. puno na ako ng emosyon, masyadong mahirap para i-sort out.. nakakapagod lang mag-isip, masayang pa sa oras..
eto, isang kunwaring malikhaing entry..
pauwi na ako..
sa tuwing binabagtas ko ang daang ito pauwi, saglit akong lumilingon upang sulyapan kung nariyan ka lang sa aking likuran..
subalit katulad pa rin ng dati, wala ni anino mo ang sumagi sa aking mga paningin..
di bale, may susunod pa namang pagkakataon e.. lagi ko na lamang itong sinasambit, pakonswelo sa panglulumong nadarama ko..
may aso akong nakita at nginitian ko ito..
takot kasi ako sa mga asong gala e, baka pag nagmukha akong mabait sa kaniya, hindi niya ako aanuhin..
patuloy lang ako sa paglalakad habang nag-iisip nang malalim..
may malakas na tinig na tumawag sa ngalan ko, sabay sabi na, "sa likod mo"
mabuti na lamang at madali akong nakalingon at naiharang ko kaagad ang aking bag sa binting akmang kakagatin ng asong nginitian ko, ilang saglit pa lamang ang nakakalipas..
naiwan ang dalawang marka ng pangil sa mamahalin kong bag..
isang malakas na tinig ang sumaway sa aso at dagli naman itong umalis..
pagkatapos, saka ko lang nalingon ang taong nagligtas sa aking binti..
ikaw pala..
matapos ang matagal na panahong pagbabaka-sakali na maglakad ka kasunod ko, narito ka na..
tumigil ang panahon..
nilapitan mo ako.. tinanong kung ayos lang ako..
sa totoo lang, bahagya akong natakot at nagulat subalit nagtapang-tapangan ako at sinabing ayos lang ako..
ngunit marahil, naramdaman mo ang takot sa aking mga mata, kung kayat ipinilit mong samahan ako hanggang sa makarating ako sa aming tahanan..
sana'y wala na lamang katapusan ang binabagtas nating daan.
happy birthday paolo, kc and georgee

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home