tatlong tagpo sa ulan
unang tagpo
marahan akong naglalakad sa makipot na eskinita..
madulas kasi ang kalsada dahil sa maagang ambon..
hindi pa ako atrasado sa aking pupuntahan..
walang dahilan upang magmadali
mga yabag..
may papalapit sa akin..
nagmumula sa aking unahan..
tinignan ko siya subalit ang kaniyang mukha ay nakakubli sa tangan niyang payong..
ngunit mukhang pamilyar..
ilan pang mga sandali..
papalapit na siya nang palapit..
marahan niya iniangat ang kaniyang payong..
nawala ang harang at tumambad sa akin ang iyong mukha..
hindi ko inasahang ikaw yun..
nagulat ako..
isang ngiti..
isang hakbang..
isang kumpas ng kamay..
at ika’y wala na..
nagdaan na..
nais ko nang umagos kasama ng ulan…
…
ikalawang tagpo
nagmamadali na ako..
ilang sandali na lamang at tiyak na mahuhuli na ako sa klase ko..
singbilis ng aking mga hakbang ang malalaking patak ng ulan..
ngunit hindi ako makatakbo dahil madulas ang daan..
naglakad-takbo na lamang ako sa paghahangad na makaabot pa rin sa oras..
hayan na..
natatanaw ko na ang gusaling aking pupuntahan..
tinignan ko ang aking relos..
isang minuto..
kaya ko ito..
medyo malayo nga lang ang aking silid mula sa pasukan nito..
ngunit tiyak na hindi na ako mahuhuli..
sa wakas narito na ako..
tumunog ang bell
pinatay ko ang aking payong..
ligtas na ako sa mga patak ng ulan ..
pinagpag ko ang tubig mula sa aking mga kamay..
at dali-dali akong umikot..
BUGSH!
aray…
may tao pala sa aking likuran..
naramdaman ko ang baba niya sa aking bumbunan..
bahagya akong tumingala..
tumambad sa akin ang iyong mukha..
bahagyang nakangiti na may bahid ng pagkahiya..
sorry..
hindi ko maalala kung nakasagot ako o hindi..
parang tumigil ang oras..
naroon pa rin ako sa aking kinatatayuan..
hindi ko man lang namalayan na natapos na sa pagtunog ang bell..
hindi ko man lamang namalayan na umalis ka na pala..
e ano ngayon kung huli?
…
ikatlong tagpo
tatlong oras..
hindi ko namalayan na ganun na pala ako katagal nakulong sa mundong laman ng aking libro..
hinilot ko ang ulo ko..
bahagyang masakit dulot ng matagal na pagbabasa..
subalit ayos lang..
malaya na ako ngayon..
kinuha ko ang payong ko..
akala ko’y tumila na ang ulan..
subalit hindi pa rin pala..
hindi ko pa tuloy mailalagay ang payong ko sa kaniyang sisidlan..
hindi bale, mabuti nang mabasa ang payong kaysa naman ako..
kaunting lakad sa ulan..
sumapit din ako sa daanang may bubong
dadaan pala ako sa tambayan mo ngayon..
sana makita kita..
pagdaan ko..
isang tao lamang ang nandoon..
at hindi pa ikaw yun..
nalungkot ako..
humakbang na ako papalayo..
nakayuko, upang itago ang pagka-dismaya
isa pang lingon bago ako umalis..
sa pag-asam na baka bumalik ka na..
subalit wala pa rin..
pagharap kong muli, muntik na naman akong mabangga..
kung sinuswete nga naman ako!
ikaw pala iyon..
umalis lamang sandali upang bumili ng makakakain..
alam kong nakasimangot pa rin ako sa mga oras na iyon habang nakatingin sa iyo..
nakangiti ka..
subalit hindi ko magawang suklian ang ngiti na alam kong hindi naman para sa akin..
lumakad na lamang ako palayo..
hindi ko namalayan na wala na palang bubong na magliligtas sa akin sa mahinang mga patak ng ulan..
hindi ko na lamang ininda..
nabasa rin ako..
ngunit nakangiti na ako..
…
…
…
pagtakas sa mundo..
salamat sa inyo..
buhay pa ako..

2 Comments:
At 8/08/2006 08:18:00 PM , Anonymous said...
hello karen....
akoy nagbabalik muli...
kamusta ka naman
ganda ng huli mung post ah...
hehe
sana kausapin mu na ko...
at wag mu ng tanggalin tong post ko
okie....
haha
nakibasa lang...
hav a nice day!!!
At 8/13/2006 05:55:00 AM , the nemesis said...
kinakausap naman na kita a..
saka hindi na rin kita inaaway..
nung sig sheet lang, hehe
basta..
senxa na at napagtripan kita..
ikaw kasi e, nag-invade sa blog ko..
pero di na ako asar..
sport naman ako e..Ü
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home