nakikibasa ka lang

Wednesday, August 30, 2006

conversations2

tol! musta na?

hindi ayos pare, binusted ako nung nililigawan ko e..

saklap naman niyan pare. bayaan mo, makakahanap ka rin ng mas maganda at mas seksing chick dyan.

totoo naman yun pare, maraming pang mas maganda sa kaniya..
pero pare iba siya e.. alam mo yun, kahit hindi siya perpekto, parang ang tingin ko na rin sa kaniya, walang kapintasan..


nako pare, malakas ata ang tama mo dyan sa isang yan..
pero pare, bakit ka nga pala niya binusted?

pare, may mahal daw siyang iba e. yung isa niya pang manliligaw, sasagutin niya na daw.
sus pare, hindi pa naman sila e, puede pa masulot yan

hindi naman ako ganun no. kung sa kaniya na, e di hindi na ako manggugulo. kung sa kin man gawin yun, masasapak ko yung lalaki. kagaguhan yun e.

e di para mo na rin sinabing sumusuko ka na dun sa babae, ganun na lang ba yun. wala ka pala e..

hindi ganun yun pare. basta, siguro nga, tama ka, makakahanap pa nga ako ng iba.. saka pare, babae lang yan. hindi naman ako mamamatay kung tatanggihan niya ako no.
ano pare, anong sa tingin mo?


oo pre, tama ka dyan.
bayaan mo, next time, sabay tayo magchick-hunting.

sige sige.
basta, sige, aalis na ko. may gagawin pa ako.


sige, pare, ingat sila sa yo..
este, ingat ka pala..


HEADLINE kinabukasan..
lalake, tumalon mula sa guadalupe bridge, patay

sadyang kay lungkot ng buhay, may mga taong nagkukubli lamang ng kalungkutan, na hindi mo matatagpuan hangga't napatunayan mong karapat-dapat kang pagsabihan.

Monday, August 28, 2006

conversation

malungkot ka ata ngayon..
smile ka naman jan..

o eto na


wenk, ano ba yan?!?
parang may bahid ng pait..
may problema ka ba?

wala, ok lang ako..


weh!
di nga..
sobrang halata kaya..

acads..
hell sem e..

acads nga lang ba talaga?

oo, ano pa ba?

hindi mo na ba siya iniisip?

sinong siya?

ano ka ba, hindi ako tanga no..
siya..

a..
siya..
ayos lang kami..
hindi na kami nag-uusap..
iiwasan ko na lang siya..
yun ang pinakamabuti sa tingin ko..


tingin mo ba talaga mas makakabuti yun para sayo?
hindi ka ba nasasaktan?

ganun talaga ang buhay e..
may mga bagay na hindi na nanganagilangan ng paliwanag at basta na lang tinatanggap..


ang tanga mo!

siguro nga..

Wednesday, August 23, 2006

life support by hale

Sarcastic smiles and fake hellos
We try to hide but always
Leave an open door behind
To escape from reality

Why are you crying?
Why are you crying?

It felt so sure the way you said no
We're throwing lies at someone
We don't know, we don't know
From this reality
Why can't we risk our lives
For something that we can't deny
We don't know, we don't know
Is this reality?

Why are you crying?
Why are you crying?

I feel so sorry
I feel so sorry
I feel so sorry
I feel so sorry

I feel so sorry for me...

yes, im hiding what im feeling inside
i know one day it will show
but please, not now..
i can't escape from reality

i will not shed a drop of tear
its not worth it

ouch, that hurts
i'm hiding something that i don't want
the world to see
don’t dare look for it


i want to feel pain
i wish i could
i hope not.. there's no way out

don’t force me to cry
i don't need your pity

i am..
i really do
stop it, you're making me feel guilty
i think i'm gonna die

don't ask, just listen


Can you hear that?
That’s my soul, screaming..
But it’s kept within me so no one would hear..
I don’t mean to hide it from the world..
I just think now’s not the right time..
My world has to keep on moving
With or without you.


happy birthday, kuya roi!

Thursday, August 17, 2006

so you think you're special?

bahagya kong minulat ang aking mga mata..
tinignan ko ang orasan..
6:30..
anong araw ba ngayon?
miyerkules pala..
7:30 ang pasok ko..
ayos lang ma-late..
wala namang gagawin e..

puede pang 5 minutes..


karen, gising na..
malalate ka na..


langya, 6:45 na..
siguradong late na ako nito..
kahit gaano ako kabilis kumilos..
ni hindi pa nga nakahanda ang bag at isusuot ko..
good luck naman sa kin..


7:30 na nang umalis ako sa bahay..
advanced naman yun ng 13 minutes pero hello?
hindi naman ganun kalapit ang bahay ko at kaya kong liparin ang 2.5 km sa loob ng 13 minutes lang..


e ano naman kung late..
report lang naman e..


pagpasok ko ng silid..
walang reporters sa harap..
nakaupo lang si sir sa may teacher's table..
unusual..
lagi lang siyang nakaupo sa likod e..
shet, baka may quiz..
hindi ko pa naman dala yung libro ko..
bahala na..


aynako!
binalik lang pala yung quiz at maya maya, yung long test namin..
yung long test na inabot kami hanggang alas diyes ng gabi at tumili pa ako sa gitna ng daan dahil akala ko, nakaapak ng palaka yung kasama kong bakla..

ayos lang..
wala na akong pakialam..

quiz ko, 3.5..
yess, ayos..
bihira tong mangyari..
next time, kwatro na to, hahaha
asa


tapos long test naman..
highest namin, 80/100..
yun na yung pinakamatalino sa min..
hindi man lang naka-A o B+..
kumusta naman?
ok lang, at least, puede i-curve
yess
pinamigay na ang mga papel
tinawag na halos lahat ng pangalan..
may mga natirang papel, yung mga wala raw pangalan..
imposible, naglagay ako ng pangalan e..
pumunta ako sa harap, hinanap ang papel ko..

ms bustalinio, sori, naiwan ko yung papel mo, sa friday na lang..

salamat a..
prolonging anticipation..

...

karen, pahiram ng notes mo..
ay sori, nakalimutan ko ibigay sayo nung isang araw..
eto o..


kinuha ko ang salamin at ballpen ko mula sa bag..
kinakapa ko ang cellphone ko..
hindi ko mahanap..
bahala na nga siya..

biglang..

basta may sinabi siya..
hindi ko na maalala yung iba..


so you think you're special?
do you belong in this class?


sori sir..

lech*

umupo na ako ng maayos..
hindi naman nanginginig ang kamay ko..
naramdaman kong nangingilid ang luha ko..
bakit naman?
walang dahilan..
pinikit ko ang mga mata ko..
pinigil ang baka-sakaling papatak na luha..

hayan, wala na..

subalit nung kinapa ko ang aking mukha..
basa..
ng luha..
bwiset..
pano nangyari yun?
ayun na, hindi na sila halos matigil sa pagpatak..
maka-isa, dalawa, hangga't hindi ko na nabilang..

nung nag-away nga kami ni ano, hindi ako umiyak..
tapos siya na sinaway lang ako sa isang bagay na hindi ko naman talagang ginawa, nagsasayang ng luha..
asa..


ayoko nang pag-usapan to..
binuhos ko na ang galit ko sa bola..

salamat.
sa nagpaalala at nagpatawa sa akin..Ü

Sunday, August 13, 2006

sarbey galing kay marian

isang survey lang. haha.


i. "bakit ba palagi ka na lang ganyan?"
= hindi ako laging ganito, in fact, napakainconsistent ko nga e..

ii. "ngayon ko lang na-realize..mahal pala kita"
= talaga? tanga ka..

iii. "iwanan mo na sya. mas magiging masaya ka sa piling ko.."
= paano mo naman nasabi yun? nababasa mo ba ang utak ko, at lahat ng nararamdaman ko?

iv. "smile ka nga..cute mo kapag naka smile e.."
=wala na bang mas corny pa jan?

v. "gawin mo naman yung homework ko sa math.."
=o sige, basta gawin mo homework ko sa accounting.. wait... on 2nd thought wag na lang... lugi ako

vi. "sino crush mo? ako diba?"
= nafefeel ko na yung mukha mo o, eto na..

viii. "why does monday come before tuesday?"
=philosophical question ba ito?

ix. "may ticket ako sa concert ng linkin park, wanna watch?"
=laos na sila e..saka i prefer opm.. wag lang cueshe..

x. "isa ka sa mga pinakaspecial na tao sa buhay ko..alam mo ba yun?"
= sino pa yung ibang special? family? kaw naman mambobola lang di pa ginawang creative

xi. "nahuhulog na ata ako sayo.."
= anong weight mo? baka di kita masalo, sige ka mapipilayan ka...
(trust fall ba ito?)

xii. "i can't smile without you."
= hindi mo naman ako pustiso...

xiii. "thank you sa lahat lahat. pero..hindi ka siya.."
= your welcome at alam kong hindi ako magiging siya kailanman.. buti na lang (evil grin)

xiv. "wala lang"
= wala lang ka jan

xv. "ano cell number mo?"
= bibigyan mo ko ng load? wow ang bait mo naman..

xvi. "can i have this dance?"
= wala namang music..

xvii. "pwede ba manligaw?"
= pag nilunok mo ang bato at sumigaw ka ng "darna!", then by all means.. ahahha

xviii. "mahal ko pa din sya hangang ngayon.."
= so? paki ko?

xix. "you were everything, everything that i wanted"
= ang taas naman ng standards mo..
= o kaya.. "we were made to be, supposed to be but we lost it.." -avril lavigne

xx. "kelan mo ba ako sasagutin?"
= ano ulit yung tanong mo?

---haay, pasensya na kung kupal yung mga sagot..
blog ko nman to e..
at nakikibasa ka lang..
hahaha----

Friday, August 11, 2006

names

Does your name begin with K?

You are secretive, self-contained, and shy. You are very sexy, sensual, and passionate, but you do not let on to this. Only in intimate privacy will this part of your nature reveal itself. When it gets down to the nitty-gritty, you are an expert. You know all the little tricks of the trade, can play any role or any game, and take your love life very seriously. You don't fool around. You have the patience to wait for the right person to come along. You are very generous & giving, often selfless. You are kind-natured & sweet, which is found to be attractive by many. You are a good friend.


talaga lang?
dapat pala sa E na lang nagstart pangalan ko

Does your name begin with E?

Your greatest need is to talk. If your date is not a good listener, you have trouble relating. A person must be intellectually stimulating or you are not interested sexually. You need a friend for a lover and a companion You hate disharmony and disruption, but you do enjoy a good argument once in a while-it seems to stir things up. You flirt a lot, for the challenge is more important. But once you give your heart away, you are uncompromisingly loyal. You will fall asleep with a good book.

(sometimes, in fact, you prefer a good book to a lover)
eunice
or erika
or embudo?
nyahaha
joke lang..
slightly true 'to..
ahihihi


pwede rin sigurong P...
Does your name begin with P?

You are very conscious of social proprieties. You wouldn't think of doing anything that might harm your image or reputation. Appearances count. Therefore, you require a good-looking partner. You also require an intelligent partner. Oddly enough, you may view your partner as your enemy...a good fight stimulates those vibes. You are relatively free of hang-ups.You are willing to experiment and try new ways of doing things.You are very social and sensual; you enjoy flirting and need a good deal of physical gratification.

or R..
Does your name begin with: R

You are a no-nonsense, action-oriented individual. You need someone who can keep pace with you and who is your intellectual equal-the smarter the better. You are turned on more quickly by a great mind than by a great body. However, physical attractiveness is not very important to you. You have to be proved to be worthy for a partner. You have a need to prove yourself the best. You want feedback on your performance. You are open, stimulating & romantic.


eto naman parang pareho sa K..
Does your name begin with S?

For you, it is pleasure before business. You can be romantically idealistic to a fault and is capable of much sensuality. But you never lose control of your emotions. Once you make the commitment you stick like glue. You could get jealous and possessive. You tend to be very selfish often regarding yourself as the only human being on the planet.. You like being the centre of attention. You are very caring sensitive, private & sometimes very passive. Turned on by soft lights, romantic thoughts. When it gets down to the nitty-gritty, you are an expert. You know all the little tricks of the trade, can play any role, or any game, and take your love life very seriously. You don't fool around. You have the patience to wait for the rightperson to come along. You are very generous & giving, often selfless. You are kind nature & sweet which is found to be attractive by many. You are a good friend.

pasin ko lang, masyadong involved dito ang tungkol sa paghahanap ng partner..
ganun na ba kadesperado ang mga tao?

Thursday, August 03, 2006

tatlong tagpo sa ulan

unang tagpo

marahan akong naglalakad sa makipot na eskinita..
madulas kasi ang kalsada dahil sa maagang ambon..
hindi pa ako atrasado sa aking pupuntahan..
walang dahilan upang magmadali

mga yabag..
may papalapit sa akin..
nagmumula sa aking unahan..
tinignan ko siya subalit ang kaniyang mukha ay nakakubli sa tangan niyang payong..
ngunit mukhang pamilyar..

ilan pang mga sandali..
papalapit na siya nang palapit..
marahan niya iniangat ang kaniyang payong..
nawala ang harang at tumambad sa akin ang iyong mukha..
hindi ko inasahang ikaw yun..
nagulat ako..
isang ngiti..
isang hakbang..
isang kumpas ng kamay..
at ika’y wala na..
nagdaan na..

nais ko nang umagos kasama ng ulan…



ikalawang tagpo

nagmamadali na ako..
ilang sandali na lamang at tiyak na mahuhuli na ako sa klase ko..
singbilis ng aking mga hakbang ang malalaking patak ng ulan..
ngunit hindi ako makatakbo dahil madulas ang daan..
naglakad-takbo na lamang ako sa paghahangad na makaabot pa rin sa oras..

hayan na..
natatanaw ko na ang gusaling aking pupuntahan..
tinignan ko ang aking relos..
isang minuto..
kaya ko ito..
medyo malayo nga lang ang aking silid mula sa pasukan nito..
ngunit tiyak na hindi na ako mahuhuli..

sa wakas narito na ako..
tumunog ang bell
pinatay ko ang aking payong..
ligtas na ako sa mga patak ng ulan ..
pinagpag ko ang tubig mula sa aking mga kamay..
at dali-dali akong umikot..
BUGSH!
aray…
may tao pala sa aking likuran..
naramdaman ko ang baba niya sa aking bumbunan..
bahagya akong tumingala..
tumambad sa akin ang iyong mukha..
bahagyang nakangiti na may bahid ng pagkahiya..
sorry..
hindi ko maalala kung nakasagot ako o hindi..
parang tumigil ang oras..
naroon pa rin ako sa aking kinatatayuan..
hindi ko man lang namalayan na natapos na sa pagtunog ang bell..
hindi ko man lamang namalayan na umalis ka na pala..

e ano ngayon kung huli?



ikatlong tagpo

tatlong oras..
hindi ko namalayan na ganun na pala ako katagal nakulong sa mundong laman ng aking libro..
hinilot ko ang ulo ko..
bahagyang masakit dulot ng matagal na pagbabasa..
subalit ayos lang..
malaya na ako ngayon..

kinuha ko ang payong ko..
akala ko’y tumila na ang ulan..
subalit hindi pa rin pala..
hindi ko pa tuloy mailalagay ang payong ko sa kaniyang sisidlan..

hindi bale, mabuti nang mabasa ang payong kaysa naman ako..

kaunting lakad sa ulan..
sumapit din ako sa daanang may bubong

dadaan pala ako sa tambayan mo ngayon..
sana makita kita..

pagdaan ko..
isang tao lamang ang nandoon..
at hindi pa ikaw yun..
nalungkot ako..

humakbang na ako papalayo..
nakayuko, upang itago ang pagka-dismaya
isa pang lingon bago ako umalis..
sa pag-asam na baka bumalik ka na..
subalit wala pa rin..
pagharap kong muli, muntik na naman akong mabangga..
kung sinuswete nga naman ako!
ikaw pala iyon..
umalis lamang sandali upang bumili ng makakakain..
alam kong nakasimangot pa rin ako sa mga oras na iyon habang nakatingin sa iyo..
nakangiti ka..
subalit hindi ko magawang suklian ang ngiti na alam kong hindi naman para sa akin..

lumakad na lamang ako palayo..
hindi ko namalayan na wala na palang bubong na magliligtas sa akin sa mahinang mga patak ng ulan..
hindi ko na lamang ininda..
nabasa rin ako..
ngunit nakangiti na ako..







pagtakas sa mundo..
salamat sa inyo..
buhay pa ako..