nakikibasa ka lang

Thursday, February 12, 2009

rest day

after a tiring week, here i go towards the end of it.. sa totoo lang, marami pang kailangang gawin pero pahinga muna ngayon at konting habol sa org work. tingin ko talaga napaka inefficient ko lately at nahihiya ako na ganun. sa totoo lang, ayokong nasisilip ako sa mga ginagawa ko lalo na pag nag-uunderperform ako kasi ayokong gawing reason ang pagkakaroon ng love life dahil hindi naman directly yun ang reason.

anyway, LFN na mamaya. hindi pa tapos ang costume ko. wahaha

masaya ako tungkol samin kanina. grabe, hmm.. intimate.. pero hinay-hinay lang dapat.. hmmm.. wala pa kaming final plans para sa valentines. naisip ko kasi, kailangan ba? wahah.. hindi, gusto kong magcelebrate kami. pero kailangan bang sa 14 talaga? ewan..

ano bang gusto ko sanang gawin namin sa valentines? sa totoo lang, wala naman akong specific thing in mind, basta sana lang may bonding time lang kaming dalawa. mag-usap, magbonding. yun lang, ok na ko dun.. hindi kailangan na bonggang celebration at kain sa labas (given na rin sa time constraint).. gift? wala naman akong hinihingi.. bahala na.. hmm... pero gusto siguro ng chocolates. yum. pampataba.

hmm.. napag-usapan namin kung anong nagustuhan namin at gusto sa isat-isa. magkaiba pa raw yun. nagustuhan is like first impression, gusto is what we eventually found out as we get to know each other.

nagustuhan ko sa kaniya. eto yung mga sinabi ko: super maalaga siya sakin, pinakamasaya kong relationship so far, the only guy who had the courage to get to know my religion better, sort of approved of by my mom and sister.

what he like about me: iba daw ako sa ibang mga babae (napaka-vague, i mean everybody is unique in their own way. anyhoo..) happiest relationship for him as well...

well, there are a lot of things i wasnt able to say to him a lot more of other things which i think i already wrote here way back.

just the same, i hope we continue to become stronger with what we have.

i just realized, more important than vday is the fact that its our third 'monthsary'

Tuesday, February 10, 2009

pagod na ako

pagod na talaga ako..

pero kahit ganun, i will still find reasons to keep me going...

libing na ni lola bukas. 2pm
philo orals ko rin bukas ng 550pm
tapos ma187 exam ko sa thursday
LFN sa friday
sportsfest sa saturday
buwanang pulong sa sunday
amf131 exam sa monday
ma195 exam sa tuesday
th141 report sa wednesday

sige lang, patayin niyo na ako.
ayoko na..

hindi ko rin naiintindihan ang nangyayari sa kin ngayon. mainit ang ulo ko na sa tingin ko ay resulta lamang ng marami kong nararamdamang emosyon, physical na pagod at academic stress.

idagdag mo pa ang fact na marami akong napapabayaang mga bagay para sa Gabay ngayon. hindi na nga ako natutulog pero parang wala rin naman akong nagagawa. so anong point.

ewan. tinatamad na ako.
pero wala naman akong choice
i still have to do things..

minsan, napapaisip ako kung worth it pa ba ang lahat ng ginagawa ko kaya all of a sudden, nagkakaroon ako ng focal point shift.

segue: marami akong hindi sinabihan regarding my lola's death. i mean, should i? ewan ko rin.. sa tingin ko kasi hassle naman sa mga tao na makipag-lamay pa.. kaya para sa mga mahal ko sa buhay na nagpunta talaga, i really owe them a lot, specially at these times..


kaya lang, parang nawala sakin ang essence ng paglalamay. parang naging party siya. ni hindi ko man lang nabigyan ng quiet time kaming dalawa ni lola. ni hindi ko naibuhos yung iyak ko para sa kaniya. sa totoo lang, nalulungkot talaga ako. at hindi ko alam kung bakit o ano.. a ewan. basta, gusto ko lang ibuhos lahat ng ito.

natuwa naman ako dahil nagpunta siya kanina sa burol. nakilala pa siya ng relatives ko.. si daddy, si mommy..hmm.. basta, masaya na rin ako, kahit papano.

although ngayon, basta weird ang feeling ko ngayon. about samin. pero wala akong masyadong brain cells na mailalaan dun sa ngayon. bahala na.

i just have to trust us.

Labels: ,

Monday, February 09, 2009

burst

sobra akong maraming nararamdaman ngayon.

pagod, frustration, galit, lungkot, inis.. lahat na ata ng negative energies nasagap ko na today e..

pagod ako dahil pabalik-balik ako sa skul.. nakakapagod palang bumalik sa school na nag-commute ka tapos nagmamadali ka pa.. lagi mo na lang kalaban ang oras. nakakapagod

frustrated ako sa acads ko. as in. kailangan ko maka-2 na QPI at least. nalulungkot ako sa fact na ang baba na ng standards ko with regards to my academics. basta pumasa na lang. asan na ang magis mode? hmph. pero hindi ko na alam kung sino pang sisisihin ko at kung ano pang gagawin ko? wala akong time para mag-aral ng matino. TINATAMAD na ako.

nagagalit ako sa nangyayari sa sarili ko. nakakainis yung fact na hindi ko ma-control ang emotions ko dahil punung-puno na ako. naiinis ako at nahihirapan akong i-kalma ang sarili ko dahil pagod na rin ako at frustrated.

nalulungkot ako sa fact na wala na ang lola ko. sa wed na ang libing niya. shet. libing. ayoko ng mga ganung events dahil naiiyak ako. ngayon pa nga lang, gusto ko nang iiyak lahat ng luha ko pero matagal ko nang nalaman na imposible mangyari yun. nakaklungkot ang kamatayan. wala kang kalaban-laban. ang tangi mo na lang magagawa e tanggapin na nangyari nga iyon. kung mahina ka, sorry ka na lang.

naiinis ako dahil feeling ko ang pabaya ko sa mga projects ko. marami akong napapabayaang gawain. at napapagod na rin ako dahil gusto ko na talaga i-prioritize ang acads ko pero hindi ko pa rin magawang bitiwan ang ibang mga bagay dahil mahalaga rin naman sila.

pero kahit ganun, alam ko namang andyan si boss para suportahan ako.. although nagiging malabo ang mga usapan namin lately, siguro, yung tiwala ko na lang sa kaniya muna ang bahala para hindi ako mag-give up. although minsan naiinis ako sa kakulitan niya, nauunawaan ko naman na way niya lang yun ng pagpapakita ng pagmamahal sa kin..

dapat sasama siya sa burol kanina. mabuti na lang at hindi na siya tumuloy kasi si daddy yung andun. wahaha. bukas na lang, kasama ang SABOG.

ramdam ko naman na mahal ako, pero sa ngayon, hindi sapat ang pagmamahal para tuluyan mapawi ang lahat ng problema ko. hindi naman kasi yun ang tanging solusyon e. basta, napapagaan nito ang kung ano mang bigat ang nararamdaman ko ngayon.

Wednesday, February 04, 2009

sabi ko na nga ba...

hindi ko matitiis na hindi magpost..

marami akong random thoughts na naiisip. although maganda naman sana kasing i-share yun via plurk, minsan, tinatamad na lang talaga ako..

una, hindi ko talaga alam kung magffifth year pa ako..

pros:
sayang ang opportunity, may scholarship na ko e.
mas mataas na sweldo after grad
hindi pa ako prepared magtrabaho
ayoko pa umalis ng ateneo
gusto ko na magkaroon ng masters degree
eto naman talaga yung original plan ko e.
willing pa naman ang mga magulang ko na pag-aralin ako for one more year.

cons:
tinatamad na talaga ako. saka nanghihinayang ako kasi parang tanga na talaga ako e.
wala na akong naiintindihan sa mga majors ko, tapos itutuloy ko pa rin for another year?
downward sloping ang grades ko since 3rd year. grabe, ano nalang ang matitira sakin next year
medyo parang ginugusto ko na rin magtrabaho
madedelay pa ang aking freedom.


ewan ko talaga. hindi ako makapag-rationalize kung anong gagawin ko sa buhay ko. para na naman akong nagpapatangay na lang sa agos ng buhay.

hmm.. marami pa akong gustong isulat tulad ng nangyari sa immersion ko. tapos yung dilemma ko about friendship..

eto, isa namang bagay na nagpapasaya sa akin ngayon ang aking relasyon kay boss. basta masaya ako samin. ayoko mang maging sobrang forward-looking, pero may potensyal talaga na baka siya na nga. haay.. tama na nga to. gusto kong maayos na ang buhay namin..

excited na ang nanay niya na ma-meet ako. natatakot ako. siguro meron na akong ganung phobia sa mga nanay. haha. pero siyempre, we'll see kung anong mangyayari sa april 7 (or sooner, bahala na.)

nagpunta kaming riverbanks kanina out of mere whim. waley talaga. nakakain na rin ako sa wakas sa ice cream house at umubos kami ng isang pint ng cherry go round. hahah. pareho kaming hindi mahilig sa cherry ice cream pero nag-enjoy na rin kaming magpatayan sa buong cherries. hahah. tapos arcade. wala lang talaga ako sa mood maglaro kanina. at umupo muli sa damuhan sa riverbanks. haaayyy.. tapos siomai house. karen, anong diet ang pinagsasabi mo? tugsh.

hmmm.. masaya na rin ako sa buhay ko. pero tulad nga ng sabi niya, merong mga aspect ng buhay ng tao na hindi pa rin defined kaya nakapagpapabawas sa sayang nararamdaman mo. oh well.

ayun, hindi ako stressed. pagod lang. at maraming pang kailangang gawin. may theory ako na hindi naman natural na stressed ang tao. meron tayong mga stress drivers at para maiwasan yung stress, kailangan maiwasan ang mga stress drivers na yun. narealize ko na ang main stress driver ko ay ang dami ng dapat kong gawin. pero kahit ganun, gusto ko pa rin. may pagka-masokista nga siguro ako.

awat na. marami pa talagang kailangang gawin.

Labels: , , ,