nakikibasa ka lang

Thursday, December 11, 2008

ganun pala ang feeling

kahapon, hindi ko alam kung BI ba siya o hindi.. nafeel ko ang "bad side" ng pagkakaroon ng relationship dahil naging hindrance siya para mag-aral ako.. irrational.. tsk tsk.. joke lang.. ang katwiran ko naman kasi, hindi ako makaaral kasi masama pa pakiramdam ko nun, so pointless magstay sa lib.. tapos nun, wala naman na akong iba pang pwede pang gawin.. so yun, might as well spend some time with him para naman di sayang sa oras..

so yun, bonding galore kami.. as in kwentuhan lang ng kung ano ano.. pansin ko lang na tahimik lang talaga ako.. ewan ko.. siguro wala lang akong maisip na mapag-usapan.. so siya na lang lagi yung nagkkwento.. tinanong ko naman siya kung nabbore siya, hindi naman daw.. ako kasi, masaya naman ako na kasama ko siya.. saka wala naman akong thoughts na tinatago sa kaniya so happy talaga ako.. nothing really disturbs me then..

anyway, we talked about seniors' syndrome.. hindi ko siya nararamdaman, at hindi yun ang motivation ko para magkaroon ng relationship.. ewan ko.. pero yun, hindi ko talaga naffeel.. hindi rin naman ako desperado. pero now that its here, im happy about it.. one thing more, i'll be staying for one more year, hopefully for my fifth year.. so with regards to the age difference, yun lang ang number one fear ko na magkakalayo kami agad after i graduate.. pero since may fifth year nga, hindi sana ganun yung maging case.. we might have less bonding time.. pero yun, we can still text each other all the time to the point na magsasawa na rin kami, wahahahha.. chos.

pinag-usapan din namin yung paghatid thing. masaya ako about it actually. kaya lang may fear of inconsistency na hindi naman maiiwasan. and to be honest, parang ngayon lang ako nakaranas ng ligawan stage.. parang ngayon lang nagiging slow but sure. pero masaya ako na katabi ko siya, close kami, doing things together.. wala lang, masaya lang talaga..

haayy.. saya, papasok na ulit ako bukas..Ü

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home