heart matters
dahil naglilihim ako ngayon, balik muna ako sa luma kong bahay...
nakakatuwang malaman na hindi lang matters-of-the-heart ang nagpapaikot sa buhay ko ngayon. hindi tuloy ako masyadong nahihirapan maglihim. halimbawa na lang, sa mga pagkakataon na hindi ko siya nakakasabay umuwi, at ibang mga kaibigan ko ang kasama ko, kapag tinanong nila kung kumusta na ako, bagamat yun ang unang sumasagi sa isip ko, pinipilit kong mag-isip ng ibang bagay para naman hindi ko tahasang inilalaglag ang sarili ko.. pwede namang umikot ang usapan sa Gabay, seniors' syndrome, theo at philo talk.. yung mga tipong magiging umaatikabo ang usapan kaya hindi na namin kailangan pang mag-isip ng ibang topic habang binabagtas namin ang kahabaan ng katipunan. basta sa katapusan, idinadagdag ko na lang na masaya ako. kasi masaya naman talaga ako.
...
pangontra sa aking umaapaw na masayang disposisyon ngayon, may naalala ako kanina na nagpalungkot sakin. habang kausap ko Siya, sabi ko, sana hindi na ulit ako makapanakit, kasi ayoko na rin masaktan, kamon, napaka-nega.. pero totoo yun. kasi nung naisip ko si ex-not-boyfriend, parang bumalik yung sakit na naramdaman ko. at sumasakit talaga yung puso ko in the literal sense. wala lang. ayoko ng ganun e...
...
fiction part
sabi ng kaibigan ko, maswerte daw ako dahil hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya magiging bukas ako sa lahat ng pwedeng mangyari, kahit ang masaktan..
hindi niya lang ang pinagdaanan ko..
pero yun, kung sakali mang maging masyado akong maingat sa puso ko, sorry naman. ayoko lang ulit masaktan.
grabe, ang keso-keso nito...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home