nakikibasa ka lang

Sunday, November 18, 2007

first week

one week down, 16 more to go...

tapos na ang first week..
grabe, nakakapagod.. hindi lang naman dahil sa acads..
pero ramdam ko agad ang kaibhan ng buhay ko ngayon nung sembreak

mwf..
apat na subjects..
830 ang start ng klase ko sa kostka, third floor!!! oo, third floor!! at bawal ma-late dahil may quiz every meeting.. grabe, ang hina ng boses ng prof ko.. marami naman silang pagkakapareho ni sir habito pero hindi ko talaga siya marinig sa kinauupuan ko... pero gusto ko yung haircut niya. kelan ko kaya mapapa-ganun ang buhok ko?

after ng micro, macro naman sa BEL!!! second floor naman.. kumusta naman yun.. buti na lang marami kaming amf friends na magttrek papuntang bel.. grabe talaga.. pero ang cool ni dumlao. hindi siya mahigpit sa attendance pati sa rules. pero weird lang.. saka medyo nakakatakot.. pano ba naman kasi, dalawang long tests lang, i-ccancel pa yung lowest. tapos pag satisfied ka na sa first mo, pwede ka nang hindi mag-take ng second. saka essay. kumusta naman yun?!? may discretionary grade din kaya dapat magtino.. may curving naman siya exam para pumasa ang students niya.. pero ang labo, dapat hindi na lang niya i-curve, babaan niya na lang yung passing.. sana talaga, mataas na ako sa first exam para sure na ang 60% ng grade ko..

lunchbreak..

tapos history na.. with antonia santos.. omg.. sobrang boring niya.. saka nakakainis kasi para lang siyang nagkkwento. hindi mo alam kung ano sa mga sinasabi niya yung importante talaga.. parang wala lang lahat. saka sobrang bagal ng pace namin. pero ayos na rin. at least, hindi ako matatambakan ng readings (sana...) sobrang traffic papuntang ctc third floor.. grabe, suki ako ng third floors ngayong sem... dapat sa stairs sa likod na lang kami pumanik para hindi kami maipit ng mga tao. saka dapat super aga kami or super late para hindi na ganun karami yung tao. may seating arrangement din kami.. at saan pa ako kundi sa first row.. lagi na lang... rar..

right after nun ay philo naman.. grabe, struggle na lang lagi dahil bawal ma-late.. tapos sa likod na ako nakaupo dahil hindi ako sinave ng seat.. rar talaga.. mahirap pa naman makinig sa likod. tapos katabi ko pa si aron na sobrang makulit.. nakow.. sana talaga makapag-concentrate ako sa philo ko..

tth naman.. exaj ang break ko nito. 4.5 hours. pero bale 3 hours na lang kasi magsshift ako sa adsa ng 130-3

unang subject, math. at siyempre, hindi pa naman na-break ang custom na first day e lecture agad. may homework na nga rin kami e. lupet. may dresscode pala kami dito. bawal slippers at immoral dress. hmmm, kumusta naman yun.. seatmate ko dito si... pero hindi naman kami nag-uusap. bahala na...

after nun, theo. at, front row na naman ako. at gitna pa. kumusta naman. haay. kungdi ko lang mahal si anne, haha.. o well. napakasaklap. pero ano ba naman ang mapunta sa front row. deh.. ang problema kasi hindi naman ako umuupo sa harap talaga unless may seating arrangement (parang sa histo)... ayaw ko talaga sa harap kasi hindi ako makakapagtxt at makakapag-break ng iba pang rules. saka kita ng lahat ang ginagawa ko.. ano ba yun.. front middle pa. the best talaga. at theo pa talaga of all subjects.. haayyy...

ayun.
masaya naman ako at marami na akong na-accomplish kahit simula pa lang ng sem. sana lang talaga tuloy tuloy na ang sipag ko para ma-dl naman ako kahit once.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home