nakikibasa ka lang

Monday, March 19, 2007

kaya ako umiyak..

sobrang outdated na ng post na to..
pero gusto ko pa ring isulat kasi gusto kong ipaalala sa sarili ko yung naramdaman ko nung moment na yun..

last mar3, erya graduation/farewell party..
medyo ok naman..
may konting mga hassle pero naitawid naman namin..
nakakapagod a..
pero naenjoy ko kasi parang bumalik ako sa pagkabata sa pagsali sa mga children's games na kinatuwa naman ng tutees namin.
mas naging bonded pa kami nung ibang mga tutors, surprisingly..
kung kelan last day na..
nyway..
ok naman ang lahat..
hanggang nung patapos na..
kinanta namin yung hawak kamay ni yeng constantino..
tapos, habang kumakanta kami, nakita ko yung ibang tutees, lalo na yung isang batang babae.. hindi ko na maalala yung pangalan niya (pero kilala ko siya nung araw na yun..)
umiiyak siya..
hindi ko siya maalala kasi nung araw na yun lang ata siya ulit pumasok.. (parang ung isa kong tutee na si carl)
tapos ayun, naiiyak ako, pero nakayanan ko pa namang pigilin..
hindi na lang ulit ako tumingin sa kaniya para hindi talaga ako tuluyang maiyak..
kaso, lahat na halos nung kids namin umiiyak na..
kaya ayun, nahawa na talaga ako..

pero kahit siguro lahat na kami, nag-iiyakan nun, maaaring magkakaiba naman ang dahilan kung bakit kami nagsisiiyak..
sila, marahil sa kalungkutan, dahil hindi na nila kami makikita ulit..
kahit sa sandaling panahon, talagang maattach ka sa mga kids na yun.
kahit gaano pa sila kakulit at katigas ang ulo, makikita mo pa rin yung tunay na lambing, pagmamahal at pagpapahalaga nila sa yo..
puede ring kaya sila umiyak kasi parang mawawala na kaming pag-asa nila na mapabuti ang buhay nila..
hindi na ako makaisip ng iba pang dahilan sa ngayon.. pero pihado kong marami pang iba..

ako, bakit naman ako umiyak?
konti dahil sa lungkot na last day na nga namin yun sa nstp..
pero mas nalulungkot ako dahil sa pakiramdam ko, wala akong silbi..
maliban pa kasi sa nstp, sdg rin ang erya ko sa gabay..
hindi lang ako basta sdg, asst head pa ako..
kahit asst lang, dinidibdib ko talaga yun..
tapos naisip ko, habang kumakanta kami na, wala man lang akong nagawa para sa mga batang to..
kahit sabihin ko na meron nga kahit papano, hindi naman sila nakinabang lahat..
parang iilan lang ung pinahalagahan ko..
unfair naman dun sa iba..
ni hindi man lang sila nabigyan ng chance na patunayan sa sarili nila na kaya naman nilang mag-excel..
parang tinanggalan ko sila ng karapatan para sa isang magandang kinabukasan..
ang lupit ko..
napakasama ko...


bilang pampalubag-loob, hindi naman kami nagsawang magpayo sa kanila na ituloy nila ang kanilang pag-aaral..
sana hindi nga sila tuluyang mawalan ng pag-asa..
bagamat ayoko na talagang isipin ang kawalang-halaga ko..
patuloy ko pa ring iisipin ang mga erya kids na nagpaiyak sa akin sa taong ito..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home