kuya
wala akong kuya..
yung nakatatandang kapatid
sa totoo lang, matagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid na lalaki..
ewan ko..
parang ang sarap kasi ng pakiramdam na mayroong magtatanggol sa yo kapag inaaway ka..
o kaya sobrang lakas mang-asar pero may halong lambing..
yun siguro ang dahilan kung bakit mas malapit ako sa mga lalake..
iba kasi yung security na nakukuha mo mula sa kanila..
saka kung iniisip mo na ang mga lalake yung mga tipo ng tao na walang kabuluhang kausap at puro kagaguhan lang ang alam sa buhay, nagkakamali kayo..
magaling silang makinig at magpayo..
si kuya..
meron akong kuya..
lagi niya akong binabantayan at inaalagaan..
tinitiyak na ayos lang ako at hindi ako mapapahamak..
pero binibigyan niya ako ng sapat na puwang upang matuto ako sa sarili ko..
siya na siguro ang isa sa mga pinaka-ideyal na taong tumulong sa pagkahubog ko bilang tao.
subalit tulad ng lahat ng mga magagandang bagay, kinailangan niya akong lisanin
at patuloy na tumubo sa sarili ko..
pero hindi niya naman ako tuluyang pinabayaan.
ibinilin niya ako sa isa sa kaniyang mga pinkamalapit na kaibigan
nakita niya siguro ang pangangailangan ko sa isang kuya kung kayat tiniyak niya na hindi ako mapababayaan
ok naman ang pangalawa kong kuya..
may pagkakaiba sila ng una kong kuya pero gusto ko rin siya..
lagi siyang handang makinig sa mga tila walang katapusan kong pagrereklamo sa buhay..
nakikinig lang siya..
pagkatapos, pag nararamdaman niyang malapit na akong maiyak sa bigat ng dala ko..
sasabihin niya sa akin, hinga ka muna.. puso mo..
libre kitang ice cream?Ü
haay..
salamat sa kaniya at nakakakaya ko pang pagtiisan ang lahat ng pinagdadaraan ko.
pag kasama ko siya, pakiramdam ko, nagbabalik ako sa pagiging isang batang alagain, paslit at walang muwang
napakatanga sa buhay at kailangang laging may kasama para hindi mapahamak
nakakatuwa naman siya dahil parang hindi siya marunong magalit..
parang lagi lang siyang nakatawa at kayang-kaya ang lahat ng mga bagay.
bilib talaga ako sa mga taong ganun
yung kahit mabigat na ang lahat, parang wala pa rin, kalmado pa rin
natutuwa rin ako sa kaniya dahil magaling siya maggitara..
masarap siyang kasama sa jamming sessions..
kahit yata ano, kaya niyang tugtugin e..
ang laking tulong talaga nito lalo na sa mga panahong gusto ko na lang sumabog
isa pa, alam niya ang mga limitasyon ko..
naiintindihan niya ang mga sentimyento ko sa buhay..
alam niya rin kung paano ako pasasayahin..
kaya hindi sumasayad ang nguso ko sa lupa kapag kasama ko siya..
kasi sasaluhin niya na ito bago pa man ito mahulog..
siya ang bago kong kuya..
sana hindi niya na ako kailanganin pang iwan..
pero ganun talaga..
may mga bagay na kailangang matapos..
kahit gaano pa ito kasaya..
you know you're in love when you can't fall asleep
because reality is finally better than your dreams..

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home