nakikibasa ka lang

Saturday, September 16, 2006

minesweeper

ang buhay ay parang minesweeper..
oo, yun yung game sa pc na isang malaking grid na may super daming numbers at bomba..
adik ako dun..

sa sobrang adik ko dun naisip ko itong irelate sa buhay..
una, magsisimula ka sa wala..
tapos gagawa ka ng initial steps para naman may patunguhan ka..
e di, sige, ok lang..
pag simula pa lang, talo ka na, walang problema..
pwede namang magsimula ulit e..
ok naman so far
kaya lang habang tumatagal, lalong humhirap..
minsan, parang ayaw mo na lang tapusin.
parang gusto mo na lang i-reset para makapagsimula ka ulit..
kaya lang, naisip mo ring sayang naman kung uulit ka pa lalo na't malayo na rin ang narating mo..
kaya yun, magttake risks..
pag tsumamba, ok!
pero isang mali na, guguho lahat ng pinaghirapan at pinag-isipan mo ng husto for 220++ seconds..
ang masaklap naman nun, talo naman..

ang hirap talagang manalo sa minesweeper..

parang sa buhay..
mahirap manalo..
pero kapag napagdaanan mo na lahat ng hirap at buhay ka pa..
saka mo na lang maiisip na, worth it naman pala...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home