nakikibasa ka lang

Monday, September 25, 2006

muling pagkikita...

matapos ang panahong hindi ko na nais pang malaman kung gaano na katagal nakalipas..
nakita na naman kitang muli..
hindi ko ito inaasahan..
pagkat sa aking pagkakaalam, sa isang linggo pa..
bagamat hindi ko pinaghahandaan..
kahit papano'y napag-iisipan ko na rin kung ano bang gagawin ko sakaling iwan nila tayo..

ayokong hindi maging handa..
at alam kong alam mo yun..
marahil naghahanda ka na nga rin e..

hindi ko talaga inaasahan..
ang akala ko, ang isa pa nating kaibigan ang kasama nila.
subalit dahil ikaw nga, meron pa ba akong magagawa?
ang akala ko nun, kung sino lang ang nasa harapan ko nun..
iniisip ko pa nga na unahan na kitang maglakad sapagkat nakaharang ka sa aking dinadaanan..
pagharap mo..
ayun, siguro'y saglit na tumigil ang panahon..
sa sobrang sandali'y hindi ko na rin naramdaman..

ayoko namang magmukhang tanga na nakatunganga lang..
kaya't ayun, dinaldal na kita..
kung anu-ano ang pinagsasabi ko nun..
wag lang talagang magkaroon ng tahimik na sandali sa ating dalawa..
mabuti na rin palang hindi tayo nag-iiwasan..
(naisip ko na kahit papano, hindi na ako dapat magtago kapag bigla tayong nagkita sa isang di sinasadyang pagkakataon)
katulad ng inaasahan, may kaunting tampulan ng mga tukso..
hirit at kung ano pang pang-aasar..
pero hindi naman lahat ng ganun ay pinapansin..

saglit lamang ang lahat.
sa isang pagdampi ng ating mga palad..
isang kumpas ng kamay
at wala na..
marahan na akong lumabas sa silid kung saan tayo muling nagtagpo matapos ang panahong hindi ko na nais alamin kung gaano na katagal ang nakalipas..
marahil hindi na yun mahalaga..
sa isang linggo, may pagkakataon pa..
kung para saan, yung ang hindi ko alam..
mag-usap, magbalitaan..
pag-usapan ang mga bagay na iniiwasan..
bahala na..

basta ang alam ko ngayon..
sa kabila ng tambak na dapat kong matapos bago pumutok ang bukang liwayway..
heto ako at ibinubuhos ang laman ng aking puso at isip..

bahala na..
kung ano mang mangyari ay wala na akong pakialam..
wala akong panahon sa mga bagay na iyan..
pero ikaw yan..
at mahalaga ka sa buhay ko..


parang tuloy nagdilang anghel pa si kuya rb..
akalain mo, nakita ko nga ang "ex" ko..
nadelay nga lang ng isang araw..


background music: una by spongecola
exam ko na sa theo at ma124 mamaya..
kumusta naman?
wala na namang tulugan to..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home